Contact#:0998-987-7134

Boatman vs Professor

Share this article

Pulot aral muna tayo!

Merong isang professor gustong magpahatid sa bangkero sa kabilang side ng isla.

Sabi ng professor:
Mr. Bangkero! Dalhin mo nga ako sa kabilang side ng isla!

Yes sir! Sagot ng bangkero.


At habang nasasagwan ang bangkero nagtanong ang professor.

Professor:
Mr bangkero magaling ka ba sa english?

Bangkero:
Naku sir hindi po kasi grade 3 lang po ang natapos ko.

Professor:
Ah ganun ba? Alam mo ba na 1/4 ng buhay mo ang mawawala dahil dyan?

Napabulong na lang ang bangkero, grabe naman to! di lang ako magaling sa ingles 1/4 na agad ng buhay ko ang mawawala?

Nagtanong ulit ang professor…

Professor:
Mr bangkero magaling ka ba sa math?

Bangkero:
Naku sir hindi rin po mahina po ako dyan.

Professor:
Ah ganun ba? So mawawala na ulit ang 1/4 ng buhay mo.

Bangkero:
Ilan na yun sir? ( kalahati na ng buhay mo ang mawawala. sagot ng prof. ) grabe naman! kalahati na ng buhay ko ang mawawala?

Nagtanong ulit ang professor…

Professor:
Mr bangkero magaling ka ba sa science?

Bangkero:
Naku sir lalong hindi rin po, mahina po ako dyan.

Professor:
Ah ganun ba? So 1/4 na ulit ang mawawala sa buhay mo.

Bangkero:
Tatlong 1/4 na ang mawawala sa buhay ko sir? Ilan na lang ang natira sir? ( 1/4 na lang sagot ng prof ) isang tanong na lang ubos na buhay ko sir?

At habang sumasagwan ang bangkero sa kalagitnaan ng isla, ay sobrang kabado na sya. Baka magtanong ulit si professor. At baka ang itanong ulit sa

kanya ay subject sa school, sigurado mauubos na ang buhay nya.

Kaya ang ginawa nya ay binilisan nya ang pagsagwan para makarating na agad sa kabilang side ng isla. Sa sobrang bilis nya, tumaob ang bangka! At

pagkataob na pagkataob ng bangka, nagsisigaw ang professor ng.....
HELP! HELP! HELP!
Prof_Boatman_06
At ang bangkero naman ay pa floating floating lang tapos nag back stroke pa habang naglalangoy.

Ang bangkero naman ang nagtanong sa professor.

Bangkero:
Sir. Professor, marunong ka bang lumangoy?

Professor:
HINDI! HINDI! Tulungan mo ako baka malunod ako.

Bangkero:
Sir! professor gamitin mo ang ingles, math, at science para maligtas ka, kasi ako 1/4 na lang ang natitira sa buhay ko sabi mo. Kung hindi you will lose

100% of your life!


Natawa ka sa kwento ano!

Anung point doon kaibigan?
Minsan kailangan mong mag'humble down, dahil baka ang kausap mo ay may alam na hindi mo alam.

Ipakita mo na makakatulong ka sa kanya at hindi magmataas.

So again we respect po kung ano ang alam nyo.

I respect kung ano ang profession mo.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon magagamit mo ang profession mo.

Salamat sa pagtatyaga mo tapusin ang pagbabasa sa kwentong ito.
It's your turn...

Anu ang pinaka nagustuhan mo sa iyong nabasa? Kindly comment below now!

Share this article