Contact#:0998-987-7134
Pano Magkaka-Resulta Kung Wala Pang Resulta?

Pano Magkaka-Resulta Kung Wala Pang Resulta?

Share this article

Paano Ako Magkaka-Resulta Kung Wala Pa Akong Resulta?

Yan ang madalas na tanung ng mga newbie or nagsisimula palang sa ating business.
Tama ba na yan ang madalas na tanung ng mga downlines niyo na bago, members niyo na bago? At kung bago ka, sigurado yan din ang tanung mo noh!?

Paano ba ako kikita?
Paano ako makakapag-recruit?
Paano ako makakapag-convince?
Paano ako makakapag-pajoin kung wala pa akong sariling resulta at kung wala pa akong kinikitang income?

Nakakarelate ka ba sa ganung question?

In this blog post, gusto ko ituro sayo ang very specific simple steps by steps kung paano mo sasagutin ang ganyang mga katanungan para kahit wala ka pang resulta or kinikita ay magagawa mong magkaroon ng resulta.

Ako personally, wala din naman akong resulta nung nagsisimula ako. Actually lahat tayo, lahat tayo nagsimula sa zero. Pero ang tanung nga, paano ako magkakaresulta kung wala pa akong resulta!?

First step na kailangan mong gawin ay gamitin ang resulta ng mga taong may resulta na. "Use Others Result".
Make sure na manghiram or ipaalam ang gagamiting picture or success story ng iba and always be consistent on posting of others result.

2nd step is "Create Your Own Result". Document your results, have a screenshot of your income at gamitin ito agad kahit na ito ay maliit palang. Hindi importante na malaki basta makapag-produce ka ng iyong first result.
May nagsasabi din na hyping daw ang pagpost ng income, actually dati kasi confuse din ako sa hype at results. Ang hype is showing something na hindi naman pala totoo.
Anyway kung may result/s ka na, sigurado may downline ka na or may mga members ka nang napasali. At kapag nagtanung ang members mo kung paano sila magkaka-resulta, ang gagawin mo ay ang 3rd step...

3rd step is "Let Your Team Use Your Result". Sabihin mo sa downline or members mo na gamitin niyo muna ang resulta ko! Ipapagamit mo sa kanila ang resultang naproduce mo or success story mo. Pwedeng screenshot, video or article na pwede nila ishare.

Dahil ang mga members mo ay ginamit ang iyong resulta, magkakaroon na din sila ng dahan-dahang resulta, magkakaroon sila ng kanilang first income commission at new members. Kapag ang member/s mo nagsimula ng kumita, ito na ang malupit, ito na ang Breakthrough... at ngayon pupunta na tayo sa step 4 of Result Cycle..

4th step which is "Use Your Team Results". Ang story ng buong team mo na nagkakaroon ng resulta. Yung team mo na nagagawa mo silang pakitain at natutulungan mo silang kumita, yun yung mag-e-elevate ng influence mo at tataas ang bilang ng mga napapasali niyo.

Ang pwede mo gawin dito sa step na ito ay hingein ng testimonials ang iyong mga members, written or video. Or a short interview na ang sasabihin lang nila ay kung paano sila nagkaresulta, kung magkanu na ang kinita nila at kung gaano kabilis nila ito nakuha. At huwag mo din kalimutan na pagsama-samahin ito at ito ang gamitin mo para kitain ang iyong 5-6 figure income commission.

At next, ito na...ito na yung magpapasabog ng hindi lang ng iyong personal team, hindi lang ng iyong income kundi pati buong company na kinabibilangan mo.

Final Step is "Let Others Use Your Team Results". Ibig sabihin kahit mga crosslines, kahit hindi part ng team mo... Papagamit niyo na ang story niyo or yung results niyo sa kanila.

Eh, bakit kailangan ipagawa? Eh, bakit ganun?

Para makapag-create na naman ng "Others Result".

Kapag nakita ng mga tao ng maraming kumikita or nagkakaroon ng resulta sa inyong community or company, mas tataas ang iyong convincing power. Di'ba mas madali na natin sila maco-convince dahil makikita nilang ang daming social proof.
result cyle
I hope you enjoy this blog post.

If you think this is valuable..
Click the like button and
Share this content.
Ellison Locaylocay

Your Online Friendly Coach,

Ellison Locaylocay
Author - Entrepreneur - Website Master

Share this article